NPA member patay sa engkwentro sa Surigao City

By Dona Dominguez-Cargullo March 22, 2019 - 10:03 AM

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkwentro ang mga sundalo sa Surigao City.

Nangyari ang engkwentro sa bulubunduking bahagi ng Barangay Anomar.

Ayon sa 30th Infantry Battalion ng Philippine Army, nakatanggap sila ng impormasyon na nagkakasa ng planong pag-atake ang mga rebelde.

Natunton ng mga sundalo ang kinaroroonan ng mga rebelde at tumagal ng halos isang oras ang sagupaan.

Nakuha sa lugar ang isang M16 rifle, isang bandolier na may magazine, tatlong anti-ersonnel mine at 100 meters na detonating wire.

Marami umanong mga residente sa lugar ang nagrereklamo sa pangingikil sa kanila ng mga rebelde.

TAGS: encounter, NPA, Radyo Inquirer, surigao, encounter, NPA, Radyo Inquirer, surigao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.