Agad na pagresolba sa pamamaril sa staff ni dating Mayor Junjun Binay iniutos ni Makati Mayor Abby Binay

By Dona Dominguez-Cargullo March 22, 2019 - 09:47 AM

Inatasan ni Makati Mayor Abby Binay ang Makati City police na gawin ang lahat upang maresolba ang insidente ng pamamaril sa staff ng kaniyang kapatid na si dating Mayor Junjun Binay.

Galing sa trabaho si Monaliza Bernardo at papasok ng kaniyang bahay nang siya ay barilim

Nasugatan si Bernardo pero maayos na sa ngayon ang kaniyang kondisyon.

Sinabi ni Mayor Abby na hindi niya hahayaang sirain ng mga nais manggulo ang katahimikan at kapayapaan sa lungsod.

“Tahimik at payapa kami dito sa Makati. Hindi ako papayag na sirain ito ng mga gustong manggulo sa aming lungsod. Inaatasan ko ang chief of police na gawin lahat para ma-resolba ang insidente at matukoy kung sino ang nasa likod nito,” ayon kay Mayor Abby Binay.

Inatasan na din ni Mayor Abby ang barangay chairman sa Barangay Olympia na makipagtulungan sa mga otoridad.

Partikular na iniutos ni Mayor Abby ang pagbibigay ng CCTV footage at iba pang makatutulong para maresolba ang krimen.

TAGS: Abby Binay, makati city, Shooting Incident, Abby Binay, makati city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.