Facebook umaming bigo silang mai-block agad ang livestream video ng suspek na namaril sa New Zealand
Umamin ang kumpanyang Facebook na nabigo ang kanilang artificial intelligence nai-block ang livestream video ng suspek na namaril sa dalawang mosque sa New Zealand noong nakaraang linggo.
Sinisi rin ng kumpanya ang mga Facebook users dahil sa hindi agarang pag-report sa naturang video.
Tumanggap ng kritisismo ang Facebook dahil sa kabiguang i-take down ang video ng suspek habang namamaril sa mosque sa Christchurch City na tumagal ng ilang minuto.
Pagkatapos ng livestream ng suspek, maraming users sa iba’t ibang panig ng mundo ang nag-share pa ng kopya nito.
Ayon kay Facebook Vice President of Product Management Guy Rosen, umabot sa mahigit 800 na ibinahaging video ng pamamaril ang kanilang nai-block.
Aminado si Rosen na ang mga nasabing video na ibinahagi kalaunan ay parang nag-originate sa Facebook.
Na-view ng 4,000 beses ang video bago tuluyang mai-take down.
24 na oras matapos ang pag-atake ng suspek, sinabi ng Facebook na umabot na sa 1.2 million videos ang naialis nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.