Presyo ng produktong petrolyo at LPG tumaas ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2015 - 07:26 AM

lpgDagdag na presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at sa mga produktong petrolyo ang sumalubong sa unang araw ng buwan ng Disyembre ngayong 2015.

Epektibo alas 6:00 ngayong araw (Martes, December 1) nagpatupad ng dagdag na P2.80 ang Petron sa kada kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P30.8 na dagdag sa 11-kilogram LPG cylinder ng nasabing kumpanya.

Ngayong alas 6:00 din ng umaga, ang mga kumpanyang Shell, Petron at Sea Oil ay nagpatupad ng dagdag na P0.45 sa presyo ng kada litro ng Gasolina, P0.20 sa kada litro ng diesel at P0.10 centavos sa kada litro ng kerosene.

Ang PTT at Phoenix Petroleum ay may pareho ring price adjustment sa kanilang gasolina at diesel.

Mas mataas naman ang idinagdag ng Chevron sa presyo ng kerosene na P0.20 sa kada litro at parehong halaga ang idinagdag sa gasolina at diesel.

TAGS: LPG price hike, oil price hike, LPG price hike, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.