Residential area sa Guadalupe Viejo sa Makati tinupok na apoy

Nasunog ang isang residential area sa Barangay Guadalupe Viejo sa Makati City.

Nagsimula ang sunog alas 6:29 ng umaga ng Biyernes, March 22.

Agad itong itinaas sa ikalawang alarma makalipas ang ilang minuto.

Inaalam pa sa ngayon kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Ayon sa Makati Fire Bureau, alas 7:03 ng umaga ay kontrolado naman na ang apoy.

Read more...