Nahuli sa isang checkpoint sa Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City ang naka absence without leave o AWOL na pulis matapos masita na walang helmet.
Iniharap ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang suspek na si P02 Alejandro Cagayan Hernandez sa isang presscon kung saan hindi rin itinanggi ni Hernandez ang paggamit ng droga.
Dagdag pa niya, nagawa lamang niyang magdroga dahil nadepress siya nang iwanan ng kanyang misis.
Kasamang nahuli ni Hernandez si Rey binggal Servito kung saan nakumpiska sa kanila ang ilang kontrabando na tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu, weighing scale, improvised tooter at patalim.
Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Omnibus Election Code.
Nagpaalala naman si Eleazar sa kapulis na hindi mag-aatubiling sibakin agad sa pwesto ang mga mapapatuyang gumagamit ng droga at pasaway na sumisira sa institusyon.