Fil-Am na bomb suspect sa Amerika, naghain ng guilty plea sa kinakaharap na kaso sa Manhattan Federal Court

By Dona Dominguez-Cargullo March 22, 2019 - 06:33 AM

Naghain ng guilty plea sa Manhattan Federal Court ang isang Filipino – American na kinasuhan dahil sa pagpapadala ng mail bomb sa mga kritiko ni US President Donald Trump.

Binasahan ng sakdal si Cesar Sayoc, 57 anyos sa sala ni US District Judge Jed Rakoff.

Kabilang sa mga kinakaharap niyang kaso ay ang may kaugnayan sa paggamit ng weapon of mass destruction, mailing explosives with an intent to kill at transporting explosives across state lines.

Part-time pizza deliveryman, grocery worker at dating stripper si Sayoc.

Dinakip siya nuong Oktubre matapos ang apat na araw na manhunt operation ng mga otoridad.

Nang siya ay maaresto, nakita si Sayoc na naninirahan sa isang kulay puting van na may pro-Trump stickers ay may nakasulat na “CNN SUCKS” at mga larawan ng Democratic leaders at nilagyan ng cross ang mukha.

Si Sayoc ay nagpadala umano ng mail bomb kina dating US Presidents Bill Clinton at Barack Obama, dating Vice President Joe Biden, at Senators Cory Booker ng New Jersey at Kamala Harris ng California.

Tinarget din ni Sayoc ang aktor na si Robert De Niro at dating Central Intelligence Agency directors John Brennan at James Clapper.

TAGS: Cesar Sayoc, Fil Am, mail bombs, Radyo Inquirer, Cesar Sayoc, Fil Am, mail bombs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.