Duterte at Poe, mag-aagawan sa boto

By Kathleen Betina Aenlle December 01, 2015 - 05:06 AM

poe-duterteMag-aagawan sa boto sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Grace Poe, pero mas makakalamang ang alkalde.

Sa tantya ni Sen. Sergio Osmeña III, ngayong sasabak na sa presidential race si Duterte, makukuha nito ang mga boto para kay Sen. Grace Poe.

Aniya nang umatras si Duterte noon, napunta ang malaking porsyento ng mga boto sa kaniya kay Poe, at ang iba pa ay nahati sa iba pang mga presidential candidates.

Ngunit ngayong aariba na sa eleksyon ang alkalde, ani Osmeña, muli nitong mababawi ang mga botong sana’y mapupunta na sa senadora na siyang ikalulugi nito.

Samantala, bagaman sa Region 11 ang teritoryo ng alkalde, hindi inasahan ni Osmeña na napakalaki ng suportang matatanggap ni Duterte mula sa kaniyang rehiyon.

TAGS: mayor rodrigo duterte, sen grace poe, mayor rodrigo duterte, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.