Residential area sa Pasig, tinupok ng apoy; 2 ang sugatan

(UPDATE) Nasunog ang isang residential area sa Barangay Kalawaan sa Pasig City.

Ayon sa Pasig Fire Department, nagsimula ang sunog bago mag alas 5:00 ng umaga ng Biyernes, Mar. 22.

Apat na bahay sa bahagi ng Eliseo Road sa naturang barangay ang natupok at umabot sa unang alarma.

Dalawa naman ang naitalang nagtamo ng minor injuries bunsod ng nasabing sunog.

Alas 5:28 ng umaga nang ideklarang under control na ang apoy at alas 5:31 ng umaga nang ideklarang fire out.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng pinsala ng sunog.

Read more...