Dating OFW arestado sa pagtutulak ng droga sa Pasay

By Rhommel Balasbas March 22, 2019 - 05:01 AM

Arestado ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa buy bust operation sa Brgy. 14, Pasay City madaling araw ng Biyernes.

Nakilala ang suspek na si Lucila Garalde na nabilhan ng P700 halaga ng shabu ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Ayon kay Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit chief Insp. Wilfredo Sanghel, nabilhan ng droga si Garalde mismong sa kanyang bahay.

Naabutan pa ng mga pulis ang suspek na nagtatarya ng shabu.

Nakatatanggap umano ang pulisya ng mga reklamo sa hotline 8888 tungkol sa pagbebenta ng droga ng suspek.

Si Garalde ang isa sa dalawang malaking tulak ng droga sa lugar na ang mga parokyano ay sidecar drivers, scavengers at mga estudyante.

Nakumpiska mula rito ang 79 na sachet ng shabu, drug paraphernalia at digital weighing scale.

TAGS: buy bust operation, former OFW, metro news, Pasay City Police, Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit chief Insp. Wilfredo Sanghel, Radyo Inquirer, buy bust operation, former OFW, metro news, Pasay City Police, Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit chief Insp. Wilfredo Sanghel, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.