NDRRMC: Pinsala ng tagtuyot sa agrikultura umabot na sa P1.3 B

Umabot na sa P1.3 bilyon ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa bansa ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Coordinating Council (NDRRMC) araw ng Huwebes.

Sa first quarter full council meeting na pinangunahan ni Defense Secretary at NDRRMC chairman Delfin Lorenzana, tinalakay ang pinsala ng dry spell sa bansa.

Lumalabas na malaki na ang production loss dahil sa El Niño at nakaapekto na ito sa 84,832 magsasaka habang ang kabuuang lawak ng tanimang nasira ay 70,353 hectares.

Pinakaapektadong commodities ang palay at bigas ayon kay NDRRMC executive director at Office of Civil Defense (OCD) administrator Ricardo Jalad

Labing-apat na rehiyon sa bansa ang kasalukuyang apektado ng tagtuyot.

• Ilocos Region
• Cagayan Valley
• Cordillera
• Central Luzon
• CALABARZON
• MIMAROPA
• Bicol
• Western Visayas
• Eastern Visayas
• Western Mindanao
• Northern Mindanao
• Davao
• Central Mindanao
• Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Dahil dito, nagsagawa na ng cloud-seeding operations ang gobyerno noong Martes sa Cagayan Valley. Davao Region at Central Mindanao.

Sa Lunes, March 25, isa pang batch ng cloud-seeding operations ang isasagawa sa tulong ng Phillipine Air Force (PAF).

Samantala, ayon kay Jalad, isa sa mga tulong na gagawin para sa mga magsasaka ay ang pagpapatupad ng modified cropping calendar at ang pagbabago sa cropping pattern.

Read more...