Is honesty an election issue? ‘It depends’ ayon kay Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas March 22, 2019 - 04:09 AM

Walang categorical na sagot si Pangulong Rodrigo Duterte sa tanong kung election issue ba ang katapatan.

Sa panayam ng media sa pangulo sa 122nd Founding Anniversary rites ng Philippine Army sa Taguig City, sinabi nito na ang katapatan ay nakadepende sa sitwasyon.

Ayon kay Duterte, walang gamit ang pagsasabi ng katotohanan kung gagawa lang ito ng problema.

Giit ng pangulo, may mga bagay na mas mabuting hindi na lamang sinasabi habang may mga bagay na pwede namang sagutin nang tama.

Matatandaang umani ng batikos si Davao City Mayor Sara Duterte matapos nitong sabihin na hindi naman election issue ang katapatan dahil lahat ng kandidato ay sinungaling.

TAGS: Duterte says it depends, Is honesty an election issue?, senatorial elections, Duterte says it depends, Is honesty an election issue?, senatorial elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.