Kaso ng tigdas sa bansa halos 23,000 na; nasawi pumalo sa 333
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng tigdas sa bansa batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).
Sa ulat ng DOH Epidemiology Bureau na may petsang March 20, mula January 1 hanggang March 19 ay umabot na sa 22,967 ang kaso ng tigdas.
Sa loob lamang ng dalawang araw, March 13 hanggang 14 ay nakapagtala ng 1,088 na bagong kaso ng sakit.
Umabot na sa 333 ang namatay dahil sa tigdas kung saan pinakarami sa CALABARZON na may 96, at sinundan ng National Capital Region na may 87.
Sa kaparehong panahon noong 2018, umabot lamang sa 4,818 ang naitalang measles cases kung saan 43 lang ang nasawi.
Patuloy na pinalalawak ng kagawaran ang immunization program nito kontra tigdas at kabilang sa mga planong gawin ay ang pagbabakuna sa mga paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.