House Speaker GMA: Isyu sa 2019 budget reresolbahin sa susunod na linggo

Nakatakdang plantsahin ng Kongreso ang isyu sa 2019 national budget sa susunod na linggo ayon kay House Speaker Gloria Arroyo.

Sinabi ni Arroyo na posibleng sa Lunes ay maganap ang pagpupulong ng mga Kongresista at Senador.

“The congressmen and the senators will be talking. I think, maybe, Monday,” ani Arroyo.

Wala pa anyang target date para maplantsa ang isyu ng dalawang kapulungan sa pambansang pondo pero mas maigi kung mas maaga itong matatapos.

Una rito ay binawi na ng Kamara ang budget books sa Senado.

Ang gobyerno ay tumatakbo ngayon sa pamamagitan ng reenacted budget.

Read more...