Batang Pier may tyansa pa sa playoffs ayon kay Sean Anthony

Hindi pa susuko ang Batang Pier sa playoffs ng PBA Philippine Cup matapos ibigay ng Magnolia ang ikaanim nitong sunod na talo sa torneo.

Sa laban ng dalawang koponan noong araw ng Miyerkules wagi ang Hotshots sa iskor na 103-90.

Bagaman sunod-sunod ang talo, naniniwala si North Port player Sean Anthony na mayroon pa rin silang tyansa sa all-Filipino Conference.

Giit ng manlalaro, posibleng nagkukulang lamang sila sa team effort kaya sunod-sunod ang kanilang mga talo.

Sa laban noong Miyerkules, lamang sa unang tatlong quarter ang koponan na umabot pa sa 11 puntos.

Gayunman ay naungusan sila sa ng Hotshots sa 27-8 run.

Ang Batang Pier ay may kartadang 2-6 ngayon at pang-11 sa standings.

Makahaharap ng koponan ang TNT, Alaska at Barangay Ginebra sa kanilang mga susunod na laban.

Read more...