Disney star Davie Henrie at kanyang asawa, nagkaanak matapos ipanalangin ni Pope Francis
Matapos makunan ng tatlong beses, inanunsyo nina Former Disney Star David Henrie at asawang si Maria na isinilang nila ang kanilang unang anak na si Pia Philomena Francesca Henrie.
Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ikwinento ni Henrie ang kanilang naging karanasan para lamang magkaanak.
Bagaman tatlong beses umanong nakunan si Maria, hindi sila nawalan ng pag-asa na sa takdang panahon ay makabubuhat sila ng sariling anak.
Ani Henrie, ang tatlong miscarriages ay mas lalong nagpatatag sa kanilang pagsasamahan bilang mag-asawa.
Kwento ng Disney star, kaya Francesca ang middle name ng kanyang anak ay dahil personal niyang hiningi niya panalangin ni Pope Francis na magkaroon sila ng anak ni Maria.
Eksaktong siyam na buwan umano ang nakalilipas nang ipanalangin sila ni Pope Francis sa Roma at sinabi nito na magkakaroon sila ng anak.
Nagkatotoo nga ang sinabi ng Santo Papa at sinabi ni Henrie na ang mga nakararanas ng pagsubok ay dapat lamang ‘manalangin, umasa at huwag mabahala’.
Ang linyang ‘manalangin, umasa at huwag mabahala’ ay sikat na mga salitang binitawan ni Santo Padre Pio na posibleng dahilan kaya Pia ang first name ng kanilang anak.
View this post on Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.