Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Southern Leyte, Huwebes ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 6 kilometers Northwest ng Anahawan dakong 9:10 ng gabi.
May lalim itong 11 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.