Angara: Karapatan ng mga babae at lalaki dapat pantay sa mga kumpanya

By Jan Escosio March 21, 2019 - 02:43 PM

Hinikayat ni Senator Sonny Angara ang mga kumpanya na huwag paboran ang mga lalaki sa mga babae sa pagkuha ng kanilang ng mga kawani para lang makatipid sa mga benepisyo.

Ayon kay Angara ang ‘gender discrimination’ bukod sa hindi makatuwiran ay ilegal din.

Ibinase ng senador ang kanyang pahayag base sa isinagawang survey ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP kung saan lumabas na ang karagdagang benepisyo sa pagpapatupad ng Expanded Maternity Leave Law ay may bigat sa pagkuha ng mga babaeng empleado.

Sa naturang survey, lumabas na 66 porsiyento ng 70 kumpanya ang nagsabi na makaka-apekto sa kanilang desisyon sa pagkuha ng mga bagong empleado ang naturang batas.

Ngunit pagdidiin ni Angara na nakasaad sa iniakda niyang Magna Carta for Women ipinagbabawal ang lahat ng uri ng diskriminasyon sa kababaihan at dapat aniya bigyan ng pantay na oportunidad ang mga kuwalipikadong aplikante, babae man o lalaki.

TAGS: Angara, BUsiness, gender discrimination, magna carta for women, Senator, Angara, BUsiness, gender discrimination, magna carta for women, Senator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.