Iniutos ito ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.
Ayon kay Ardern, bawal na ang pagbebenta ng military-style semi-automatic weapons at lahat ng uri ng assault riffles.
Mangangahulugan ito na walang sinumang dapat na makabili ng nasabing mga armas kung walang permit to procure mula sa pulisya.
Magpapatupad din ng ban sa mga high capacity magazines.
Ani Ardern, para sa mga kasalukuyan nang may-ari ng ipinagbabawal na armas, kailangan nilang sumunod sa kautusan.
Magpapatupad aniya ng buyback scheme lalo na sa mga armas na nabili ng mahal ng may-ari nito.
May ipatutupad ding amnesty period habang isinasaayos ang buyback scheme at kapag natapos na ito ay magpapataw na sila ng $4,000 na multa at 3 taong pagkakabilanggo sa mahuhulihan ng bawal na armas.
Magugunitang 50 ang nasawi sa pamamaril ng nag-iisang gunman sa dalawang mosque sa Christchurch.