New Zealand nagpatupad ng ban sa pagbebenta ng assault riffles at semi-automatic riffles

By Dona Dominguez-Cargullo March 21, 2019 - 12:25 PM

Matapos ang madugong mass shooting na ikinasawi ng 50 katao, nagpatupad ng ban sa pagbebenta ng assault riffles at semi-automatic riffles sa New Zealand.

Iniutos ito ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.

Ayon kay Ardern, bawal na ang pagbebenta ng military-style semi-automatic weapons at lahat ng uri ng assault riffles.

Mangangahulugan ito na walang sinumang dapat na makabili ng nasabing mga armas kung walang permit to procure mula sa pulisya.

Magpapatupad din ng ban sa mga high capacity magazines.

Ani Ardern, para sa mga kasalukuyan nang may-ari ng ipinagbabawal na armas, kailangan nilang sumunod sa kautusan.

Magpapatupad aniya ng buyback scheme lalo na sa mga armas na nabili ng mahal ng may-ari nito.

May ipatutupad ding amnesty period habang isinasaayos ang buyback scheme at kapag natapos na ito ay magpapataw na sila ng $4,000 na multa at 3 taong pagkakabilanggo sa mahuhulihan ng bawal na armas.

Magugunitang 50 ang nasawi sa pamamaril ng nag-iisang gunman sa dalawang mosque sa Christchurch.

TAGS: assault riffle, mass shooting, New Zealand, semi automatic riffle, assault riffle, mass shooting, New Zealand, semi automatic riffle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.