Mahigit 3,000 naaresto sa mga checkpoint operations ng PNP mula nang umiral ang gun ban

By Dona Dominguez-Cargullo March 21, 2019 - 12:06 PM

NCRPO Photo
Umabot na sa mahigit 3,000 katao ang nadakip ng Philippine National Police (PNP) simula nang magpatupad ng checkpoint operations para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay PNP spokespman Sr. Supt. Bernanrd Banac, sa isinagawa nilang 350,663 checkpoint operations sa buong bansa, umabot na sa 3,105 ang nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban.

Kabilang dito ang 2,924 na sibilyan, 32 PNP personnel, 44 na elected officials at 52 security guards.

Ang mga pulis na naaresto sa mga checkpoints ayon kay Banac ay mahaharap sa administrave cases.

Ayon kay Banac, mula nang umiral ang election period at nagpatupad ng mahigpit na checkpoints ang PNP, nakakumpiska na na sila ng 2,603 na mga baril at 22,930 na iba pang uri ng deadly weapons.

TAGS: checkpoint operations, comelec, Gun ban, PNP, Radyo Inquirer, checkpoint operations, comelec, Gun ban, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.