P190K na halaga ng shabu nasabat sa QC; 15-anyos na binatilyo kabilang sa naaresto

By Dona Dominguez-Cargullo March 21, 2019 - 11:36 AM

Arestado ang dalawang lalaki kabilang ang isang 15-anyos na binatilyo matapos mahulihan ng mga shabu sa Quezon City.

Isinagawa ng mga tauhan ng Novaliches Police ang buy-bust operation laban kay Roberto Balda, 46 anyos sa Tandang Sora Avenue kanto ng Mindanao Avenue.

Nakuha sa kaniya ang anim na maliliit na sachet ng shabu at isang medium sized na pakete ng shabu, Toyota Vios, P500 na buy-bust money at 44 na piraso ng P1,000 bill na ginamit bilang boodle money.

Sa kabuuan, umabot sa 28 gramo ng shabu ang nakuha sa suspek na nasa P190,000 ang halaga.

Nadatnan din sa lugar ang 15 anyos na batang lalaki na ginagamit ni Balda bilang runner.

Sinabi ni Supt. Rossel Cejas, commander ng Novaliches police station, si Balda ay dati na ring naharap sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga noong 2011 at naaresto sa isa pang kaso noong 2018.

Nakapagpiyansa ito noong nakaraang taon kaya pansamantalang nakalaya.

Naiturn-over na sa DSWD ang menor de ead na runner ni Balda.

TAGS: Novaliches Police, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs, Novaliches Police, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.