Ang big reveal ng wax figure ay magaganap sa SM Mega Fashion Hall sa Mandaluyong City sa March 29.
Inanunsyo ito ng Madame Tussauds Hong Kong sa kanilang official Instagram.
Ipinahayag naman ni Wurtzbach sa kanyang Instagram stories ang pakiramdam na ma-immortalized at ito ay dream come true umano para sa kanya.
Ayon kay Madame Tussauds general manager na si Jenny Yu, wala silang ibang nakikita maliban kay Pia Wurtzbach na kakatawan sa Pilipinas sa ganitong paraan at mabuting ibahagi ang milestone na ito sa kanyang kaarawan.
MOST READ
LATEST STORIES