Wax figure ni Pia Wurtzbach, ipasisilip na sa susunod na linggo
Gumawa ng kasaysayan noong September 2018 ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach nang siya ay maging kauna-unahang Pilipinong nagkaroon ng wax figure sa Madame Tussauds.
Ang big reveal ng wax figure ay magaganap sa SM Mega Fashion Hall sa Mandaluyong City sa March 29.
Inanunsyo ito ng Madame Tussauds Hong Kong sa kanilang official Instagram.
Ipinahayag naman ni Wurtzbach sa kanyang Instagram stories ang pakiramdam na ma-immortalized at ito ay dream come true umano para sa kanya.
Ayon kay Madame Tussauds general manager na si Jenny Yu, wala silang ibang nakikita maliban kay Pia Wurtzbach na kakatawan sa Pilipinas sa ganitong paraan at mabuting ibahagi ang milestone na ito sa kanyang kaarawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.