99% ng suplay ng tubig maibabalik ayon sa MWSS sa katapusan ng Marso

Radyo Inquirer Photo
Sisikapin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na maibalik ng 100 porsyento sa lalong madaling panahon ang suplay ng tubig sa east zone.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, sa ngayon 95 percent na ng mga lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water ang mayroong suplay ng tubig.

Ang pangako aniya ng Manila Water ay sa pagtatapos ng buwan ng Marso, maitataas na ito sa 99 percent.

Sinabi ni Velasco na ang mahalaga ay magkaroon ng suplay ng tubig ang lahat ng sineserbisyuhan ng Manila Water.

Bagaman magiging mahina pa aniya ang suplay at maaring hindi pa umakyat sa 2nd floor ng mga bahay.

Ang mahalaga ani Velasco, hindi na pipila sa kalsada ang mga tao at mag-aabang ng rasyon dahil ito ang ayaw na ayaw ni Pangulong Duterte.

Ang nais aniya ng pangulo ay ihatid ang tubig sa mga bahay at huwag papilahin sa kalsada ang mga tao.

Read more...