Kagawad ng barangay sa Bohol arestado matapos bentahan ng shabu ang PDEA agent
Arestado ang isang Bangaray Kagawad isinagawang anti-drug operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Region VII, Cortes Municipal Police Station, at Maritime Police sa Barangay Loreto, Cortes, Bohol.
Sa ulat na nakarating kay PDEA Director General Aaron Aquino, kinilala ang suspek na si Jay Peter R. Namoc, alias Dodong, Jay/Jay at Peter, 27 anyos at isang incumbent councilor ng Brgy. Loreto.
Nakuha sa kanya ang dalawang paketeng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800 at isang cellphone.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 si Namoc matapos magbenta ng bawal na gamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.