Pangangasiwa sa Philippine Aerospace Development Corporation inilipat sa DND

By Dona Dominguez-Cargullo March 21, 2019 - 09:58 AM

Inilipat na sa Department of National Defense (DND) ang pangangasiwa sa Philippine Aerospace Development Corporation (PADC).

Ang PADC ay dating nasa pangangasiwa ng Department of Transportation (DOTr).

Base sa Executive Order Number 78 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, effective immediately ang paglilipat sa PADC sa DND.

Nakasaad sa EO na layon nitong matiyak na makatutugon ang pamahalaan sa Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022.

Ang aerospace sector ang isa sa industry priorities sa ilalim ng PDP.

Kailangan ayon sapangulo na makamit ng bansa ang self-reliance pagdating sa mga defense equipment lalo at tumataas ang external threats.

Ang PADC ay nilikha ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1973 para mapaigting ang Philippine aviation industry.

TAGS: DND, EO 78, PADC, Philippine Aerospace Development Corporation, DND, EO 78, PADC, Philippine Aerospace Development Corporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.