Huawei Technology 5G internet speed ilulunsad sa Pilipinas

Malapit nang matugunan sa bansa ang problema sa mabagal na internet connection sa Pilipinas.

Iyan ang masayang ibinalita ni Mario Marcos, founder at pangulo ng Smart Foundation ng Bicol Region.

Sabi ni Marcos, anumang buwan ngayong taon ay ipakikilala na sa bansa ang Huawei Technology.

Sa kauna-unahang pagkakataon ayon kay Marcos ay mas magiging mabilis at madali na ang data connection dahil sa 5G speed ng Huawei.

Aniya, sa matagal nang panahon ay naitatag na ng Huawei ang kanilang teknolohiya sa iba’t ibang panig ng mundo at ngayon ito ay ipakikilala na sa Pilipinas.

Maliban sa maganda balita na ito, sinabi ni Marcos na balak niyang umpisahan ang pilot testing ng Huawei Technology sa Bicol Region kung saan naroon ang kanyang mga Kababayan.

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga international investors na aniya’y ipinagkatiwala sa kanya ang makabagong teknolohiya na ito sa larangan ng komunikasyon.

Read more...