LOOK: Ikatlong international ship dumaong sa Tagbilaran Port

By Dona Dominguez-Cargullo March 21, 2019 - 09:35 AM

DOTr Photo
Sa loob ng halos tatlong buwan, umabot na sa tatlong international cruise ship ang dumaong sa Tagbilaran Port.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kahapon, March 20, dumaong sa Tagbilaran port ang M/S Europa lulan ang 322 na mga dayuhang turista.

Ito ang ikatlong international cruise ship na dumaong sa pantalan matapos ang pagbisita ng M/S Europa 2 at M/S Pacific Venus noong Enero 2019.

Sa unang mga buwan pa lang ng 2019, nakapagtala na ng 129% paglobo sa bilang ng mga dayuhang turistang bumisita sa Bohol.

Bukod pa ito sa 20% pagtaas sa domestic passenger traffic. ‘

Magugunitang noong noong Oktubre 2018 nagsagawa ng inspeksyon sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago at PMO Bohol Port Manager James Gantalao sa Tagbilaran Port upang siguruhing maayos, malinis at nagdudulot ito ng maginhawang serbisyo sa mga biyahero.

TAGS: international cruise ship, Radyo Inquirer, tagbiliran port, international cruise ship, Radyo Inquirer, tagbiliran port

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.