Lider ng minorya sa Kamara binalikan si Sen. Lacson sa isyu ng budget

By Erwin Aguilon March 21, 2019 - 09:22 AM

Binuweltahan ni House Minority Leader Danilo Suarez si Senador Panfilo Lacson matapos nitong ihayag sa social media na galit na galit siya sa mga taong matakaw at ganid sa pera ng taumbayan.

Ayon kay Suarez, paano matatawag na katakawan sa pera ang pagtalima nila sa hiling na proyekto ng mga constituents na puro itemized.

Mas mabuti pa aniya ang Kamara na tinutukoy ang bawat proyekto samantalang ang Senado ay hindi naman tinatanong kung saan dinadala ang pondong nakalaan para sa kanila.

Sinabi pa ni Suarez, maaaring may nangyayaring pulitika sa likod ng 2019 budget kung saan nagsumbong ang kongresistang nakatanggap ng mas maliit na alokasyon sa kaalyadong senador.

Tinawag naman ito ni Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza na personal politics lalo’t pilit na idinidikit sa pork barrel noong panahon ni Janet Lim-Napoles ang budget requirements ng congressional districts.

TAGS: Danilo Suarez, Radyo Inquirer, Senator Panfilo Lacson, Danilo Suarez, Radyo Inquirer, Senator Panfilo Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.