Dagdag singil sa toll ng NLEX sinimulan na ngayong araw
Nag-umpisa na ang North Luzon Expressway sa pagpapatupad ng toll hike ngayong araw, March 21.
Ang halaga ng dagdag singil sa toll ay depende sa uri ng sasakyan at layo ng biyahe ng mga motorista.
Base sa naging abiso ng NLEX, kapag open system, ang dating P45 na singil sa Class 1 na sasakyan ay P54 na ngayon, ang dating P114 sa Class 2 na sasakyan ay P136 na ngayon at ang Class 3 naman ay magbabayad na ng P164 mula sa dating P136.
Ang dagdag na singil naman kapag end-to-end sa Class 1 vehicles ay P258 na mula sa dating P236, sa Class 2 ay P645 na mula sa dating P590 at sa Class 3 ay P774 na mula sa dating P708.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.