Karpentero nanghipo ng kapwa pasahero sa bus, arestado

Arestado ang isang lalaki na nanghipo sa isang babae sa loob ng pampasaherong bus.

Kinilala ang suspek na si Lodgerio Navarte, 53 anyos at isang karpentero.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Valenzuela Police station, sakay ng bus ang 31-anyos na biktima nang sumakay ang suspek sa SM North EDSA at tumabi sa biktima.

Kalaunan ay pasimpleng hinawakan ang maselang bahagi ng katawan ng biktima na dahilan para pumalag ang babae.

Pero nagtangka pang umulit ang suspek kaya sinuntok na ito ng biktima.

Naaresto si Navarte at hawak na ngayon ng Office of Women and Children Protection Desk ng PCP-1 ng Valenzuela Police.

Nahaharap ito sa kasong Acts of Lasciviousness.

Read more...