Duterte, binanatan pati si Pope Francis

By Jay Dones December 01, 2015 - 04:29 AM

 

Grig Montegrande/Inquirer

Umani ng batikos mula sa publiko, lalo na mula sa mga Katoliko ang mga salitang binitiwan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay kay Pope Francis.

Maging ang Santo Papa kasi ay hindi nakaligtas sa maaanghang na salita ng alkalde na binigkas niya sa harap ng maraming tao nang siya ay ideklarang opisyal na standard bearer ng Partido Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) kahapon.

Ibinahagi kasi ng alkalde ang kaniyang naging karanasan sa trapiko noong padating sa bansa si Pope Francis na naganap noong Enero ng taong ito.

Ayon kay Duterte, inabot siya ng limang oras para lamang makarating sa paliparan dahil sa mga saradong daan.

At dahil doon, aniya nais niya sanang tawagan si Pope para murahin at pauwiin na’t huwag nang bumisita pa dito sa bansa.

“Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi sarado na [ang daan]. Sabi ko, ‘Sinong darating?’ Sabi si Pope. Gusto kong tawagan, ‘Pope, p——- ka, umuwi ka na. ‘Wag ka nang bumisita dito,” walang prenong sinabi ni Duterte.

Dahil pabiro itong sinabi ng alkalde at sanay na rin ang iba sa ganitong mga patutsada niya, may ilang natawa pero mas marami ang nainis sa sinabi niya.

Kabilang na sa mga hindi natuwa kay Duterte ay si presidential spokesperson Edwin Lacierda na nag-post sa kaniyang Twitter ng “Mayor Duterte, you can say all you want about politicians but you don’t curse my Pope Francis! #defendthepope”

Maging sa social media, marami ang nagpahayag ng pagka-dismaya sa mga binitiwang salita ni Duterte.

Bago ang pahayag na ito, unang sinabi ni Duterte na dapat sumailalim sa pagbabago ang Simbahang Katoliko para hindi ito maglaho.

Binanatan din niya ang pananaw ng Simbahan kaugnay sa pag-kontrol ng populasyon at sinabing kailangan ito ng Pilipinas dahil nagkukulang na ang mga pinagkukunang yaman.

Giit ni Duterte, hindi siya natatakot na ihayag ang kaniyang mga opinyon laban sa Simbahan dahil hindi tulad ng ibang kandidato, hindi siya takot mawalan ng boto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.