LOOK: Maynilad may maghapong emergency water interruption sa Las Piñas, Muntinlupa at Bacoor
Mayroong emergency water service interruption ngayong maghapon (Mar. 21) ang Maynilad sa sineserbisyuhan nilang mga lugar sa Las Piñas City, Muntinlupa City at Bacoor City sa Cavite.
Sa abiso ng Maynilad. alas 9:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi ngayong araw ang water interruption.
Apektado ang mga sumusunod na mga barangay:
LAS PIÑAS CITY
– Almanza Uno
– Almanza Dos (T.S. Cruz Subd., BF Almanza)
– Pamplona Uno
– Pamplona Dos
– Pamplona Tres
– Pilar
– Pulanglupa Dos
– Talon Uno
– Talon Dos
– Talon Tres
– Talon Kuatro
– Talon Singko
MUNTINLUPA CITY
– Alabang
– Ayalang Alabang
BACOOR CITY, CAVITE
– Molino II
– Molino III
– Molino VI
– Queens Row Central
– Queens Row East
– Queens Row West
– San nicolas III
Ayon sa Maynilad ang emergency service interruption ay dahil sa raw water issue sa Laguna Lake na pumapasok sa kanilang Putatan Treatment Plant.
Patuloy umano ang kanilang monitoring sa kalidad ng tubig sa Laguna Lake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.