Mga pulis pinapag-overtime sa trabaho ni Pangulong Duterte

Dahil sa sunod sunod na kriminalidad sa bansa, pinag-oovertime sa trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kagawad ng Philippine National Police.

Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Marikina City, sinabi nito na kinakailangan na matinding aksyon ang gawin ngayon ng PNP lalo’t magkakasunod ang kaso ng patayan.

Inihalimbawa ng pangulo ang dalagitang pinatay at binalatan ang mukha sa Cebu.

Inaatasan din ng pangulo ang mga chief of police na palakarin sa kalsada ang kanilang mga asawa at anak na babae ng dis oras ng gabi at kapag hindi namolestiya at walang nangyaring masama ay saka pa lamang siya makukuntento sa inilatag na seguridad sa kani kanilang area of responsibility.

Pero kapag namolestiya aniya ang kanilang mga anak o asawa, utos ng pangulo sa mga pulis na agad na patayin ang suspek.

Kapag aniya inireklamo ang pulis sa human rights o kinasuhan sa korte, bilin ng pangulo sa mga pulis, sabihin na utos niya ito at idemenda na lamang si Duterte.

Ayon sa pangulo, aakuin niya ang responsilidad dahil ayaw niyang mapapapahamak ang mga pulis na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin.

Read more...