Nakumpiskang shabu sa Zamboanga City umabot sa P59 million ang halaga sa nakalipas lang ng 3-buwan

By Dona Dominguez-Cargullo March 21, 2019 - 06:59 AM

Photo: Zamboanga City police office
Sa nagdaang tatlong buwan lamang, umabot sa 8.78 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P59 million ang nakumpiska ng mga otoridad sa Zamboanga City.

Ayon kay Sr. Insp. Shellamae Chang, tagapagsalita ng Zamboanga City police office, ang mga nasabat na ilegal na droga ay bunga ng serye ng operasyon na isinagawa ng 11 police stations sa lungsod.

Sa kabuuan, nakapagsagawa ng 214 na buy bust operations ang mga otoridad at nagresulta ito sa pagkakadakip sa 272 drug personalities.

Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang isinagawang operasyon noong March 10 hanggang 16 kung saan may nakumpiskang 131 na sachet ng ilegal na droga mula sa 19 na buy bust operations.

TAGS: Buy Bust operations, War on drugs, Zamboanga City, Buy Bust operations, War on drugs, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.