Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naganap ang lindol alas 5:32 ng umaga ng Huwebes sa 131 kilometers southeast ng Sarangani.

May lalim na 119 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng naturang lindol.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...