Pinakamainit na temperatura ngayong taon sa Metro Manila, naitala kahapon ng PAGASA

Ridge of High Pressure Area (HPA) ang umiiral na weather system ngayon sa bansa.

Apektado ng nasabing weather system ang Northern at Central Luzon.

Ngang araw, sinabi ng PAGASA na magiging maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Makararanas lamang ng biglaan at panandaliang mga pag-ulan sa Visayas, Mindanao at Palawan dahil sa localized thunderstorms.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin.

Mainit na temperatura na rin ang maaring maranasan sa ilang bahagi ng bansa.

Sa pagtaya ng PAGASA sa Metro Manila maaring umabot sa hanggang 34 degrees Celsius ang maximum na temperatura ngayong araw.

Kahapon pumalo sa 34.4 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City dakong alas 2:50 ng hapon.

Ito na ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila ngayong taon.

Read more...