Ikaapat na suspek sa gang rape sa dalagita sa Maynila arestado

By Rhommel Balasbas March 21, 2019 - 04:48 AM

Naaresto ang ikaapat na suspek sa umano’y pag-gang rape sa isang 16-anyos na dalagita sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si John Michael Carmelo, 19 anyos, na sinasabing pinakahuli sa tatlong nanggahasa sa biktima.

Naaresto si Carmelo sa follow-up operation na isinagawa ng Don Bosco Police kung saan pinuntahan ito sa kanyang bahay.

Magugunitang matapos makipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan ay naganap ang krimen.

Ayon sa pulisya, modus ng grupo ang makipagkaibigan sa babae, ayain itong makipag-inuman, lagyan ng valium ang inumin nito saka gagawin ang panggagahasa.

Lumalabas din sa imbestigasyon na vinideohan pa ng mga lalaki ang ginawang pag-gang rape sa 16 anyos na dalagita.

Patuloy na pinaghahanap ang tatlong iba pa kabilang si alyas ‘Tado’ na umano’y unang nanggahasa sa dalagita.

TAGS: alyas Tado, dalagita, Don Bosco Police, gang rape, ikaapat na suspek, inuman, John Michael Carmelo, Maynila, alyas Tado, dalagita, Don Bosco Police, gang rape, ikaapat na suspek, inuman, John Michael Carmelo, Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.