Bagong barko para sa Navy, makukuha na sa 2016

By Jay Dones December 01, 2015 - 04:26 AM

 

Mulasa Wikipedia.org

Darating na sa March 2016 ang una sa dalawang bagong strategic sealift vessel (SSV) ng Philippine Navy mula sa Indonesia.

Ginawa ang mga SSV ng isang Indonesian state-owned ship builder na PT PAL (Persero) na siyang nakakuha ng kontratang buuin ang mga ito sa halagang P3.87 bilyon.

Ayon kay Navy spokesperson Col. Edgard Arevalo, sa tulong ng pondong inilaan para sa modernisasyon ng militar, naumpisahan gawin ang mga SSV noon pang Enero at inaasahan namang matatapos ang isa pang SSV sa 2017.

Inaasahang mas mapapagbuti ng bagong SSV ng Navy ang depensa ng bansa sa karagatan, dahil magsisilbi itong floating command centers ng militar at magagamit din para ipang-abot ng tulong sa oras ng pangangailangan tulad ng disaster.

Bukod sa maraming sundalo, supplies at logistics na maisasakay nito, kaya pang maglapag ng tig-tatlong helicopter sa bawat barko, sa katunayan ay nakatalaga nang mailagay ang mga Augusta Westland-109 helicopters ng Navy.

Isa ito sa mga pinakamalalaking bahagi ng modernisasyong isinusulong para sa Philippine Navy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.