Mayor Sara Duterte: Marinduque Rep. Velasco sunod na House Speaker

Inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang susunod na House Speaker, isang araw matapos nitong sabihin na si Leyte Rep. Martin Romualdez ang makakuha sa naturang pwesto.

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Sara sa kampanya sa Tagbilaran City.

Una rito noong Nobyembre ay sinabi na ng presidential daughter na si Velasco ang kanyang bet o pambato sa speakership ng Kamara.

Pero noong Martes lamang ay sinabi ng Alkalde na ang pamangkin ni dating First Lady Imelda Marcos na si Romualdez ang susunod na House Speaker.

Bukod sa dalawang kongresista, kaalayado rin ni Inday Sara at ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating DFA Sec. Alan Peter Cayetano na kumakandidatong kongresista sa Taguig City at nag-anunsyo na rin ng kanyang speakership bid.

Ayon kay Mayor Duterte, lahat ng kanyang inindorso ay angkop sa posisyon pero si Velasco ang may bentahe dahil miyembro ito ng ruling PDP-Laban.

Read more...