Operasyon ng Cardona Treatment Plant ng Manila Water nagsimula na
Inanunsyo ng Manila Water na umarangkada na ang operasyon ng kanilang Cardona Water Treatment Plant (WTP).
Ito ay matapos ang halos tatlong buwan na pagkakabalam dahil sa umano’y isyu tungkol sa disenyo.
Sa anunsyo ng kumpanya araw ng Miyerkules, sinabi nitong noon pang March 14 nagsimula ang operasyon ng Cardona WTP.
Sa ngayon ay nakakapaglabas na umano ng 24 million liters per day ng tubig ang treatment plant para sa mga baranggay sa Binangonan, Angono, Baras at Jalajala, Rizal.
Pagtitiyak ng Manila Water, ang iba pang lugar sa Rizal ay makatatanggap na rin ng tubig mula sa planta kapag naitaas na ang produksyon sa mga susunod na buwan.
Kumukuha ng tubig ang Cardona WTP mula sa Laguna Lake.
Sakaling maging fully operational, kaya ng Cardona WTP na makapagbigay ng tubig sa higit-kumulang 800,000 katao ayon sa Manila Water.
Ang anunsyo ng Manila Water sa pagbubukas ng Cardona WTP ay kasunod ng pagsermon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Manila Water kaugnay ng nararanasang krisis sa tubig ng Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.