89 patay sa flash floods at landslides sa Indonesia

By Len Montaño March 21, 2019 - 04:05 AM

Reuters photo

Hindi bababa sa 89 katao ang nasawi sa flash floods at landslides sa Indonesia.

Ayon sa National Disaster Agency, pinangangambahang tataas pa ang bilang ng mga namatay dahil marami pa ang nawawala.

Naiulat na marami rin ang nasugatan sa trahedya na dulot ng malakas na pag-uulan sa bansa.

Nasa halos 7,000 ang inilikas sa mga temporary shelters.

Ayon sa otoridad, nasa 74 katao ang patuloy na hinahanap habang hindi bababa sa 150 ang nagtamo ng mga sugat.

Nagdeklara ang gobyerno ng 14 araw state of emergency sa Papua na nasa bahagi ng border ng Indonesia at independent Papua New Guinea.

TAGS: flash floods, indonesia, inilikas, Landslides, malakas na ulan, nasugatan, nawawala, State of Emergency, temporary shelters, flash floods, indonesia, inilikas, Landslides, malakas na ulan, nasugatan, nawawala, State of Emergency, temporary shelters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.