Lalaki pinatay dahil sa bente pesos

By Jay Dones December 01, 2015 - 04:18 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay sa ilang tama ng bala ang isang lalaki sa Tondo, Manila dahil lamang sa alitang nag-ugat sa halagang P20.

Ayon kay SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police Distric Homicide Division, maraming tama ng bala ang natamo ng 47-anyos na si Melencio Alcalde.

Dagdag pa niya, ni hindi man lamang tumakbo palayo si Alcade kahit pa binaril na siya ng suspek na si Alfredo Teñoso sa harapan ng kaniyang bahay, bagkus ay lumakad pa umano ito papalapit sa suspek.

Sa halip, si Teñoso pa ang tumakbo paalis bago pa tuluyang makalapit sa kaniya ang biktima.

Ayon naman sa mga kapitbahay nila, wala namang naging alitan noon ang dalawa, bukod sa naganap noong Linggo na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Alcalde at anak ni Teñoso na si King.

Ani Bautista, naglalaro si King ng cara y cruz at natalo ng P20 sa kaniyang kapitbahay at tinukso ni Alcalde.

Sinuntok ni King si Alcalde dahil sa pagkapikon at dinala pa sila sa barangay para lamang maresolbahan ang alitan.

Nang umuwi si King, nagsumbong ito sa kaniyang ama kaya pinuntahan ni Teñoso si Alcalde sa bahay nito at binaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.