Ina ng suspek sa pagpatay kay Silawan, iginiit na inosente ang anak

CDN Digital Tonee Despojo

Iginiit ng ina ng 17 anyos na suspek sa pagpatay sa dalagitang si Christine Lee Silawan na inosente ang kanyang anak.

Ayon sa ina ng binatilyong suspek, naglalaro ng basketball ang anak kasama ang mga kaibigan sa oras na sinabing nakuhanan ito ng CCTV na huling kasama ni Silawan.

Ang anak pa anya ang nagbukas ng pinto nang magsilbi ng search warrant ang NBI sa kanilang bahay.

Inaresto ang suspek batay sa mga testimonya, CCTV footage at palitan ng mensahe ng suspek at biktima sa Facebook.

Nanindigan naman ang NBI na matibay ang ebidensya laban sa suspek.

Paliwanag ng NBI, natuklasan sa pagsusuri na may binurang mga mensahe ang suspek sa pakikipag-chat nito kay Silawan.

Sa ngayon ay dalawang suspek pa ang tinutugis ng otoridad.

Read more...