3 menor de edad arestado dahil sa droga sa Maynila

By Rhommel Balasbas March 21, 2019 - 01:47 AM

Contributed photo
Timbog dahil sa iligal na droga ang tatlong menor de edad sa Tondo, Maynila. Nagsagawa lamang ang mga pulis ng anti-criminality campaign sa Herbosa Street at nagresulta ito sa pagkakaaresto sa tatlo na may edad 15 hanggang 17 at residente rin ng Tondo. Ayon sa hepe ng Manila Police District Station 1 na si Police Supt. Reynaldo Magdaluyo, nakuha sa mga binatilyo ang 2 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana, kalibre .38 na baril at tatlong live ammunition. Kabilang umano sa gang na nagra-riot sa lugar ang tatlong binatilyo. Kasulukuyang nasa custodial facility ng istasyon ng pulis ang tatlo bago i-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Inihahanda na mga kasong isasampa laban sa mga ito kabilang ang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

TAGS: anti-criminality campaign, Comprehensive Dangerous Drugs Act, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Droga, kalibre .38, live ammunition, Marijuana, menor de edad, plastic sachet, anti-criminality campaign, Comprehensive Dangerous Drugs Act, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Droga, kalibre .38, live ammunition, Marijuana, menor de edad, plastic sachet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.