Namfrel nais magkaroon ng website para sa resulta ng eleksyon
Nais ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) na magkaroon ng website kung saan makikita ng publiko ang resulta ng eleksyon sa Mayo.
Ang pagsusulong ng tinatawag na open election data website ay bahagi ng petition for accreditation ng Namfrel na nakabinbin sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Namfrel secretary general Eric Alvia, mas maraming nakakakita ng resulta ng halalan ay mas mabuti.
Sa pamamagitan anya ng open election data ay magkakaroon ng impormasyon kung saan galing ang resulta ng eleksyon.
Pwede anyang ibigay ng Namfrel ang portal o website sa buong mundo na pwedeng bisitahin ng publiko kung saan makikita ang resulta maski sa precinct level.
Hiniling din ng Namfrel sa Comelec ang accreditation sa iba pang regular na aktibidad para mamonitor ang midterm elections kabilang ang random manual audit at automated election system oversight.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.