‘Unlawful arrests’ sa Brgy. Commonwealth, iniimbestigahan na ng CHR
Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang umano’y iligal na pag-aresto at arbitrary detention na nagaganap sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Sa isang pahayag gabi ng Miyerkules, sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia na nagpadala na sila ng quick response team para tingnan ang posibleng naging paglabag ng mga opisyal at tanod ng baranggay.
Kasabay nito’y inihayag ng CHR ang mariing pagkondena sa insidente.
Noong pasado hatinggabi ng Martes, inaresto ng Quezon City Police District Station (QCPD) ang anim na tanod ng Brgy. Commonwealth matapos umanong arestuhin ang isang babae.
Tinakot umano ang biktima na kakasuhan ng pagtutulak ng droga at para makalaya dapat ay magbayad ito ng P50,000.
Napag-alaman din ng QCPD na ikinukulong ng mga tanod ang mga lumabag sa ordinansa ng umaabot sa tatlong linggo na dapat ay walong oras lamang.
Bukod dito ay may mga sugat at pasa sa pwet ang iba dahil sa umano’y pananakit ng mga tanod at hinihingian din ng P500 hanggang P1,000 kapalit ng kanilang kalayaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.