Librong “Bird Box” may sequel na may titulong “Malorie”

By Len Montaño March 21, 2019 - 12:26 AM

AP photo

Kinumpirma ng may-akda ng librong “Bird Box” na magkakaroon ito ng sequel na ang magiging titulo ay “Malorie.”

Ayon kay Josh Malerman, ang author ng naturang 2014 novel na kalaunan ay ginawang pelikula at naging hit sa streaming service na Netflix, magkakaroon ng sequel sa istorya ng pangunahing karakter na si Malorie na ginampanan ng Hollywood actress na si Sandra Bullock.

Ang sequel na may titulong “Malorie” ay magaganap 8 taon makalipas kung saan natapos ang unang libro.

Na-inspire umano si Malerman na sumulat ng part two ng libro matapos na maging hit ang movie adaptation nito.

Gaya anya ng mga nanood ng pelikula, nais din ng may-akda na malaman pa ang dagdag na impormasyon ukol lay Malorie.

Sa October 1 ang target date ng release ng sequel book.

Gayunman, wala pang katiyakan kung ipapalabas din sa Netflix ang “Bird Box” sequel.

TAGS: Bird Box, book, Josh Malerman, Malorie, movie adaptation, Netflix, Sandra Bullock, sequel, Bird Box, book, Josh Malerman, Malorie, movie adaptation, Netflix, Sandra Bullock, sequel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.