Duterte: Media ayaw akong maging presidente

Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang media at pinasasama umano siya ng mga news organizations dahil ayaw umano siyang maging presidente dahil hindi siya galing sa mayamang angkan.

“Yung malisya nila, kasi ayaw ninyo ako maging presidente.  Kasi kayong mga mayaman, may mga newspaper, mga UP graduates kayo, ‘yong mga commentator, sila ang may ari […] kasi in the first place, you did not want me,” pahayag ng Pangulo sa kampanya ng PDP-Laban sa Marikina City Miyerkules ng gabi.

Nakatikim na naman ng mura mula sa Pangulo ang mga may-ari ng ilang media companies.

“Because I do not belong to any of the ruling elite in this country…P*tang ina I am not your president, manigas na kayo. Para sa tao ako, kasi ang tao ang nagboto sa akin” pahayag ni Duterte.

Dagdag ng Pangulo, sinasadya niya ang ilan sa kanyang mga pahayag at aksyon para subukan ang reaksyon ng media.

“Eh ako naman, pinapatulan ko, I mean purposely nagpu-p*tang ina ako […] ito si Duterte hindi edukado, tama […] sabi nila hindi daw ako statesman, tama, kasi wala namang subject na statesman sa curriculum natin,” dagdag ng Pangulo.

Mula nang maupo noong 2016, ilang beses nang nakabanggaan ng Pangulo ang media dahil sa kakaiba nitong panunungkulan.

Read more...